Maraming bagay sa mundo ang madalas nating hindi seryosohin. Acads, biro, trabaho, kaibigan, banat, asaran, at marami pang iba. Sabagay nga naman kasi eh may mga bagay talagang hindi dapat sineseryoso. Iyon lamang may mga bagay namang dapat seryosohin ngunit pinaglalaruan lang natin. Ito ay isang moda para sa isang kaibigan na madalas mabiktima ng mga pusong mapaglaro.
"Don't take my love for granted
For soon it will be gone.
All you ever wanted
Of the love you thought you've won.
Yesterdays are over.
No more wishing for the past..."
-Ilang kataga mula sa tulang ginawa ng nabanggit kong kaibigan
Hindi ko alam kung bakit nagagawang paglaruan ng iba ang pusong pinaghirapan nilang amuin. Ano ba ang meron sa mga pusong hindi nakukuntentong magmahal ng isa? Bakit ba ginagawa na lang nilang tropeo ang bawat pusong naloloko nila?
Hindi laruan ang puso. Iisa lang ito sa bawat tao. Kapag sinaktan mo, walang reserbang puso na magsisilbing substitute muna habang naghihilom yung una. Kapag sinaktan mo ang puso ng iba maaring tinuruan mo sila upang manakit ng iba. Paano kung malapit sa'yo ang saktan nila?
Huwag mong paibigin ang pusong nananahimik para lang masabing "Ah, 'langya. Galing nun ah. Akalain mong nahulog sa kanya si____." Sa huli't-huli, magmumukha ka lang tanga sa harap ng lahat ng taong nagmamahal sa kanya. Ayus lang naman siguro kung wala kang pakelam pero maliit lang ang mundo...isa sa mga kaibigan o kapamilya niya ay makakasalamuha mo balang araw. Kapag nagkataon...baka hilingin mong sana hindi ka na lang pinanganak sa mundong ito.
Sa iyong mapaglarong puso, makakahanap ka din ng katapat mo. Kapag nangyari ito, good luck na lang sa iyo.