Tuesday, February 23, 2010

Cappuccino French Vanilla (at lamay Pinoy Style)

Kape, libreng pagkain, pasugalan at huntahan. Ito ang hindi mawawala sa isang lamay--pinoy style siyempre.

Oooppppsss, teka lang. Haha. Medyo sumablay ng konti. Yung tinimpla kasing kape ay "Cappuccino French Vanilla," pwedeng ituring na isang senyales na may ilang kamag-anak na mayaman o nakapag-abroad yung mga namatayan. Dagdagan mo pa kasi ng mga tsokolateng snickers, hersheys, basta mga ganyang tipo eh aba, tiba-tiba ang mga naglalamay. Pagkatapos, maraming tinapay.

Sabi ng isang pinsan ko wala pa daw isang oras eh may bagong pagkain na namang ibibigay sa mga naglalamay. Nung dumating ako doon sa lamay ay abala sila sa pag-aabot ng mga sopas na sotanghon. Pagkatapos ay macaroni soup naman. Ilang saglit pa ay nagluto yung isang auntie namin ng pansit. Habang hinahanda ang pansit eh kapeng "French Vanilla" muna ang sinerve. Panalo. =)

Siyempre, kanya-kanya na kaming pagtatabi ng mga masasarap na hinahanda. Tipong ayaw lang naming palamang sa mga nagsusugal. Paano ba naman kasi eh isang bus ng kamag-anakan namin ang dumayo pa doon para lang makilamay at sila pa ang hindi masiba sa pagkain. Samantalang, ang mga nagsusugal ng mga kapitbahay ay sila pa ang mapili at demanding ba. Aba, aba...teka lang ha.

Hay. Sa pang-40 kayang araw eh ganun pa rin? Siguro naman hindi na. Ang sigurado ko lang, ay naku, nandiyan na naman ang mga masisibang sugarol. Pero siguro wala nang French Vanilla dahil inubos na namin kagabi.

Saturday, February 13, 2010

Balemtayms

Sige, balemtayms na naman. Andami na namang sabit-sabit na mga korteng puso na malayo naman sa totoong itsura ng puso. Naalala niyo pa ba yung mga titsers niyo nung hayskul na hindi mo malaman kung bitter, nagtritrip o hardcore scientist lang talaga? Yung mga bigla na lang titikhim habang nagbabatian kayo ng "happy balemtayms" sa klase sabay sabi ng, "Class, ang love hindi yan dikta ng puso. Dikta yan ng hypothalamus, parte ng utak...kaya dapat utak ang nakasabit sa mga dingding natin ngayon, hindi korteng puso na malayo naman sa itsura ng puso."

O sige, ma'am. Panalo ka na. Mukhang hindi uubra yung babatiin ka namin ng "Ma'am, happy balemtayms, huwag na po tayo magquiz. Magbalemtayms party na lang tayo." Ayan, inunahan tayo eh. Bano.

Pebrero. Ito na yata ang pinaka-busy na buwan para sa mga nasa hayskul. Isipin mo ah, may balemtayms, may JS prom, may grad ball, may kung hei fat choi, may exams, projects, quizzes, panagbenga (kung nasa Baguio ka), at graduation practice pa minsan. Sabi nila, ang mga taong ipinanganak daw ng Pebrero eh yung mga may, ehem, ssssss----ssss----aya----d. Hehe, alam mo na yun.

Gayunpaman, mas nakapokus kasi ang atensiyon ng lahat sa balemtayms. Ganun talaga eh. Mas masaya kasi pagtuunan ng pansin yung paggawa ng cards, pagbili ng tsokolate, at pagbili ng bulaklak. Siyempre, mas masaya pa tayo kung may nakatanggap tayo ng ilan sa mga nabanggit. Naks! Patay tayo diyan. (Kuntsabahin mo na lang si bespren para kayo na lang magbigayan kung talagang adik ang environment mo sa exchange gifts pag balemtayms at naprepressure ka. Eh kung deadma, eh di yun na yun. Hehe.)

Sa balemtayms din daw kumikita ng malaki ang Hotel Sogo..hehe. Pero tsismis lang yun. Wala akong pruweba dun. Peak season din daw ng may pinapanganak eh November. Tsismis ulit yun. Tsismosa kasi 'tong katabi ko eh. Pero ang hindi na tsismis eh tiba-tiba na naman ang mga nagbebenta ng bulaklak. Dalawang beses daw sa isang taon ang pag-boom ng industriya ng bulaklak--pag balemtayms at tuwing araw ng mga patay. Patay ulit tayo diyan. Ang kulit.

Balemtayms. Gastos, kilig, at ewan. hehe. Naisip ko lang magsulat dahil bugbog na ang utak ko sa kakaintindi dito sa An Alternative Metacritique of Postcolonial, eh basta yun. Hay, ang saya nun ah. Magawa nga ulit yun. Balik muna sa an alterrnnn..basta yun.