Tuesday, February 23, 2010

Cappuccino French Vanilla (at lamay Pinoy Style)

Kape, libreng pagkain, pasugalan at huntahan. Ito ang hindi mawawala sa isang lamay--pinoy style siyempre.

Oooppppsss, teka lang. Haha. Medyo sumablay ng konti. Yung tinimpla kasing kape ay "Cappuccino French Vanilla," pwedeng ituring na isang senyales na may ilang kamag-anak na mayaman o nakapag-abroad yung mga namatayan. Dagdagan mo pa kasi ng mga tsokolateng snickers, hersheys, basta mga ganyang tipo eh aba, tiba-tiba ang mga naglalamay. Pagkatapos, maraming tinapay.

Sabi ng isang pinsan ko wala pa daw isang oras eh may bagong pagkain na namang ibibigay sa mga naglalamay. Nung dumating ako doon sa lamay ay abala sila sa pag-aabot ng mga sopas na sotanghon. Pagkatapos ay macaroni soup naman. Ilang saglit pa ay nagluto yung isang auntie namin ng pansit. Habang hinahanda ang pansit eh kapeng "French Vanilla" muna ang sinerve. Panalo. =)

Siyempre, kanya-kanya na kaming pagtatabi ng mga masasarap na hinahanda. Tipong ayaw lang naming palamang sa mga nagsusugal. Paano ba naman kasi eh isang bus ng kamag-anakan namin ang dumayo pa doon para lang makilamay at sila pa ang hindi masiba sa pagkain. Samantalang, ang mga nagsusugal ng mga kapitbahay ay sila pa ang mapili at demanding ba. Aba, aba...teka lang ha.

Hay. Sa pang-40 kayang araw eh ganun pa rin? Siguro naman hindi na. Ang sigurado ko lang, ay naku, nandiyan na naman ang mga masisibang sugarol. Pero siguro wala nang French Vanilla dahil inubos na namin kagabi.

1 comment:

  1. wow! mayaman! :D ganyan talaga, lamay di naman pwede magdamot sa mag "nakikilamay" hehe.

    ReplyDelete