Thursday, March 4, 2010

naman oh, tsk.

Thesis...walangya. Pag natapos ka ba namin eh yayaman kami bigla? Ewan. Noong nasa proposal pa lang kami eh madalas sabihin ng instruc na "Your thesis is your masterpiece. The mark you will leave in the academe." Wow, talaga lang ha? Bakit naalala ka ba ng mga nakasama mo sa unibersidad dahil sa thesis mo? Tuwing nababanggit ba ang pangalan mo sa mga kaibigan mo sa unibersidad eh yung thesis mo agad ang naalala nila? Hindi eh, mas yung kalokohan mo, yung katamaran mo, yung kagaguhan mo at kung hard-core ka naman na estudyante eh yung sipag mo, yung galing mo at yung pagkabibo mo...hindi yung thesis mo.

Lintik na thesis. Eh mamatay yata ako bago ko pa ito matapos eh. Eto pa, sabi nila papayat ka daw sa kakapuyat. Hindi ah. Bawat puyat eh may katapat na kain. Pano ba naman kasi eh wala nang bisa ang kape. Inaantok na nga ako sa kape eh. Kelangan kong ngumuya ng ngumuya upang manatili akong gising. Ayaw ko din sa energy drink, pakiramdam ko kasi eh magkapareho lang lasa ng tubig sa inodoro at energy drinks kaya hangga't maiiwasan ay hindi ako nag-eenergy drink.

Nakakaasar na. Kahapon pinuntahan namin ang aming adviser upang humingi ng extension of deadline sa first draft. Ewan ko ba naman kasi sa adviser namin kumbakit kailangan pa kaming takutin at sabihing nakapagsubmit na ng first draft yung isa pang advisee niya samantalang proposal pa lang pala naisusumite nila. Dyahe, muntik na akong umiyak sa harap niya eh. Nangatog tuhod ko dun, swear.

Uso na tuloy ang magshades ngayon eh. Hindi dahil summer at masakit sa mata ang sikat ng araw kundi hell month kasi at nagmumukha nang back-up dancers ni MJ sa thriller ang mga tao. Tipong 'pag tinanggal mo yung shades mo eh aawayin ka ng plants. Hehe. Hay buhay. Pag ako nakaraos dito eh magbabackback trip ako sa buong Mountain Province. Wala ako pakelam kahit eleksiyon pa at nagpapatayan ang mga tao. Wehno ngayon? I deserve a break 'no.

1 comment:

  1. i've been there, hehe, though masasabi ko na di naman namin kinarir ang thesis, common 3units lang din yan tulad ng ibang subjects. eh di ayun, nominated pa kami sa best thesis echos, haha, eh di proud naman ako at sa huli ay di ko rin naman nagamit ang thesis sa paghahanap ng trabaho. buhay

    ReplyDelete