Hehe, medyo lumayo sa dapat puntuhin ng blog na ito. Nitong mga nakaraang araw kasi eh medyo napapaisip ako kung saan na tutungo yung landas na tatahakin ko. Naks. Yung landas pa yung may tutunguhin, 'no? Sige, saan na nga ba ako patungo. Sa totoo lang gusto ko nang kumita. Ngunit sa isang banda eh gusto ko pa rin mag-aral. Kaso lang eh kelangan ko na rin tumulong sa magulang. Ganun talaga. Sabi nga ng pinsan ko, "Cousin, pag grumadweyt ka, araw-araw kang iprepressure maghanap ng trabaho. My advise to you: don't graduate." Haha. May point siya kaso gusto ko na rin grumadweyt eh. Lalo na kasi nararamdaman ko na ang medyo....hm, mawala sa linya ng pag-iisip ng mga mas nakababata sa akin sa organisasyon.
Ganito kasi yun, freshie pa lang ako noon eh close na kami ng mga batchmates ko sa org. Matibay na samahan, ayos na bonding. Kaso noong nauna sila eh medyo mag nakababata talaga yung mga nakasama ko. Oks lang naman yung mga nakakasama ko kaso yung mga iba kasi eh talagang iba mag-isip sa akin at mukhang hindi talaga magkakasundo ang mga ideya namin. Di ko naman sinasabing mali ang ideya nila. Mas nasa pagtanggap ko yata yun.
Sem-ender, daming nangyari. Naramdaman ko din na hindi din talaga ganun kasaya pag wala na nga yung batchmates. Mag-isa ko lang eh. Tapos...aun. Eh di ayun, inenjoy ko pa rin naman yun kahit walang batchmates...ganun talaga. At hindi naman ako nagsisisi na sumama ako. May mga nakakairitang pangyayari...ganun din talaga, hindi maiiwasan, ngunit ayun nga...masaya ako na sumama ako.
Ano nga bang punto ng blog na ito? Diku din lam eh. Bukas siguro kaya ko nang ikonek. =D