Nagkasakit..no choice...umuwi. Dahil yun ang gusto nila. Dahil naisip ko na ayokong maging pabigat sa mga kabahay ko, dahil wala akong pera na pangpagamot sa sakit ko. Bitter? Siguro. Hindi ko din alam. Epic fail eh.
Isang konsolasyon lang na babalikan ko ang mga kaibigan...familiar faces, familiar places. Kaso, habang nilalakad ko ang session road, ang SM, ang burnham...hindi ko na maramdaman ang dating sigla. Mag-isa ko noong mga panahong iyon...gusto kong magmuni-muni. Ang tanging mga naiisip ko eh.."Dito kami noon tumatambay, miss ko na ang batch."
Tingin ko, silang lahat ay masaya na sa kanya-kanyang mga buhay. Ako lang yata ang hindi makamove-on. Yung pag-alis ko, ang isa sa mga dahilan ay dahil ayokong ma-stuck na lang dito habambuhay. Dito pinanganak, nag-elementary, nag-highschool, at nagcollege. Wala eh, ganun yata talaga...hihilain ka din pabalik. Ang tanging naisip ko, "Baka naman di pa ako handang lisanin ang lugar na ito?"
Ako'y muling nagbalik...ngunit sa ilang araw, ilang buwan...sila din ay lilisan.
pwede ka naman bumalik ulit dito eh. :)
ReplyDelete