Tuesday, March 22, 2011

Hungkag

Kailan kaya muling mahahanapan ng kulay
ang tanawin habang naglalakbay
ang kulisap, tutubi at paru-paru
ang ulan, araw, ang mga bato?

Kailan muling ang aking mga titik
ay patutungkol sa bawat hagikhik,
bawat hinagpis, bawat halakhak
bawat pagdurusa at bawat palakpak?

Tuluyan na bang nawala
ang mga araw na ang paglikha ng tula
ay hindi dahil bayad ng iba
o di naman kaya'y kanilang dikta?

Tuluyan na bang mamamaalam
sa lahat ng dati'y inaasam-asam
ngayo'y manunulat sa likod ng iba
at ang bawat titik ay bayad na nila.


(orihinal na nilikha noong Hunyo 20, 2010)

No comments:

Post a Comment