Wednesday, September 15, 2010

Sunshine and Birds

I should be out there somewhere, enjoying the sun and nature. I should not be cooped up here in my room getting depressed about how my life is turning into. I should be running around the park chasing butterflies, I should be rowing a boat and laughing at myself for not being able to row myself back to the dock, I should be doing anything other than wallowing in self-pity. I get depressed 24/7 and I should just snap out of it.

A lot of people are jobless for months and years. I only have been unemployed for two months. I am trying my best to find a job. I should be viewing this situation as something I have faced proactively since I haven't been just waiting for miracles to happen. I have forwarded my resumes, applied to several companies and I am presently waiting for their reply.

Somehow, the non-response so far is getting me down. I appreciate the sun but I can't bring myself to think positive. Will I inevitably end up with the companies that I have dreaded to belong to? I am still hopeful but the glass is half-empty. I should just listen to that bird chirping by my window but somehow I can't find the inspiration to find that chirp melodious. I find it irritating, noisy and mocking. It seems to be saying, "You are just so confident, weren't you? You just have to tell everybody that your degree will land you a job with an impressive title. You just have to be so reassuring, weren't you? Where are you now? Where's the confidence now, loser?"

C'mon. Where is a slingshot when you need one? Dammit.

Barely Breathing

17 March 2010

endless nights
blinding lights
sparkling tears
bright moonlight

hold your breath
let it out
calm your heart
rest your fears

say it once
say it twice
think of it
put it behind

try to sleep
leave it behind
find yourself
lost in dreams

not for you
just for them

Up, up and Away

29 July 2010


Just pull the trigger, kill the man
I know it's a bullet from my gun
But use it wisely, aim and shoot
Kill the man and grab the loot

I wish life was that exciting
But I always am nothing
Always in my comfort zone
Never left unsafe, alone

So I packed my bags, got ready to go
I'm scared shitless but I won't say no
Said goodbye to only a few
I don't know if I can make it past a week or two

Said goodbye to only a few
Just so only a few know if I failed my plan
Just so there are only a few fears for me, too
Just so a few would be happy that I'm gone

Back in Town


I'm back in town
For a few days now
Here and there
But still somehow
Things are different
Yet they stayed the same
I only got myself to blame
23 August 2010

Friends are here
And some are moving
Some are busy
Some have forgotten
I guess it's just a price to pay
After I tried to run away
I'm back in town
Here, back home
Some are here
But they'll soon move on
The town's a ghost
It haunts me
Yet I'm back
Maybe this time...I'll stay.

Friday, August 27, 2010

Nagbalik

Ako'y muling nagbalik...pagkalipas lang ng ilang araw. Bano. Kala ko kasi tatagal ako. Sabi ko hindi ko susukuan. Sabi ko, palilipasin ko ang mga buwan, taon kung posible, bago ako bumalik dito. Ganun naman talaga, kung may gusto ka...parang lahat ng plano eh hindi puwedeng gawing fool-proof...ayun, wala akong panabla sa sakit.

Nagkasakit..no choice...umuwi. Dahil yun ang gusto nila. Dahil naisip ko na ayokong maging pabigat sa mga kabahay ko, dahil wala akong pera na pangpagamot sa sakit ko. Bitter? Siguro. Hindi ko din alam. Epic fail eh.

Isang konsolasyon lang na babalikan ko ang mga kaibigan...familiar faces, familiar places. Kaso, habang nilalakad ko ang session road, ang SM, ang burnham...hindi ko na maramdaman ang dating sigla. Mag-isa ko noong mga panahong iyon...gusto kong magmuni-muni. Ang tanging mga naiisip ko eh.."Dito kami noon tumatambay, miss ko na ang batch."

Tingin ko, silang lahat ay masaya na sa kanya-kanyang mga buhay. Ako lang yata ang hindi makamove-on. Yung pag-alis ko, ang isa sa mga dahilan ay dahil ayokong ma-stuck na lang dito habambuhay. Dito pinanganak, nag-elementary, nag-highschool, at nagcollege. Wala eh, ganun yata talaga...hihilain ka din pabalik. Ang tanging naisip ko, "Baka naman di pa ako handang lisanin ang lugar na ito?"

Ako'y muling nagbalik...ngunit sa ilang araw, ilang buwan...sila din ay lilisan.

Sunday, March 28, 2010

On the bright side of things...

...in Filipino: sa bandang liwanag. Oo naman, dapat madalas tumingin sa bandang liwanag dahil wala ka naman talagang nakikita sa kadiliman. Minsan nakaktulong ang kadiliman pag trip mo mag-isip, magmuni-muni at matulog. Bukod dun...hm, wala na akong maisip pang kagandahan ng kadiliman.

Hehe, medyo lumayo sa dapat puntuhin ng blog na ito. Nitong mga nakaraang araw kasi eh medyo napapaisip ako kung saan na tutungo yung landas na tatahakin ko. Naks. Yung landas pa yung may tutunguhin, 'no? Sige, saan na nga ba ako patungo. Sa totoo lang gusto ko nang kumita. Ngunit sa isang banda eh gusto ko pa rin mag-aral. Kaso lang eh kelangan ko na rin tumulong sa magulang. Ganun talaga. Sabi nga ng pinsan ko, "Cousin, pag grumadweyt ka, araw-araw kang iprepressure maghanap ng trabaho. My advise to you: don't graduate." Haha. May point siya kaso gusto ko na rin grumadweyt eh. Lalo na kasi nararamdaman ko na ang medyo....hm, mawala sa linya ng pag-iisip ng mga mas nakababata sa akin sa organisasyon.

Ganito kasi yun, freshie pa lang ako noon eh close na kami ng mga batchmates ko sa org. Matibay na samahan, ayos na bonding. Kaso noong nauna sila eh medyo mag nakababata talaga yung mga nakasama ko. Oks lang naman yung mga nakakasama ko kaso yung mga iba kasi eh talagang iba mag-isip sa akin at mukhang hindi talaga magkakasundo ang mga ideya namin. Di ko naman sinasabing mali ang ideya nila. Mas nasa pagtanggap ko yata yun.

Sem-ender, daming nangyari. Naramdaman ko din na hindi din talaga ganun kasaya pag wala na nga yung batchmates. Mag-isa ko lang eh. Tapos...aun. Eh di ayun, inenjoy ko pa rin naman yun kahit walang batchmates...ganun talaga. At hindi naman ako nagsisisi na sumama ako. May mga nakakairitang pangyayari...ganun din talaga, hindi maiiwasan, ngunit ayun nga...masaya ako na sumama ako.

Ano nga bang punto ng blog na ito? Diku din lam eh. Bukas siguro kaya ko nang ikonek. =D

Thursday, March 4, 2010

naman oh, tsk.

Thesis...walangya. Pag natapos ka ba namin eh yayaman kami bigla? Ewan. Noong nasa proposal pa lang kami eh madalas sabihin ng instruc na "Your thesis is your masterpiece. The mark you will leave in the academe." Wow, talaga lang ha? Bakit naalala ka ba ng mga nakasama mo sa unibersidad dahil sa thesis mo? Tuwing nababanggit ba ang pangalan mo sa mga kaibigan mo sa unibersidad eh yung thesis mo agad ang naalala nila? Hindi eh, mas yung kalokohan mo, yung katamaran mo, yung kagaguhan mo at kung hard-core ka naman na estudyante eh yung sipag mo, yung galing mo at yung pagkabibo mo...hindi yung thesis mo.

Lintik na thesis. Eh mamatay yata ako bago ko pa ito matapos eh. Eto pa, sabi nila papayat ka daw sa kakapuyat. Hindi ah. Bawat puyat eh may katapat na kain. Pano ba naman kasi eh wala nang bisa ang kape. Inaantok na nga ako sa kape eh. Kelangan kong ngumuya ng ngumuya upang manatili akong gising. Ayaw ko din sa energy drink, pakiramdam ko kasi eh magkapareho lang lasa ng tubig sa inodoro at energy drinks kaya hangga't maiiwasan ay hindi ako nag-eenergy drink.

Nakakaasar na. Kahapon pinuntahan namin ang aming adviser upang humingi ng extension of deadline sa first draft. Ewan ko ba naman kasi sa adviser namin kumbakit kailangan pa kaming takutin at sabihing nakapagsubmit na ng first draft yung isa pang advisee niya samantalang proposal pa lang pala naisusumite nila. Dyahe, muntik na akong umiyak sa harap niya eh. Nangatog tuhod ko dun, swear.

Uso na tuloy ang magshades ngayon eh. Hindi dahil summer at masakit sa mata ang sikat ng araw kundi hell month kasi at nagmumukha nang back-up dancers ni MJ sa thriller ang mga tao. Tipong 'pag tinanggal mo yung shades mo eh aawayin ka ng plants. Hehe. Hay buhay. Pag ako nakaraos dito eh magbabackback trip ako sa buong Mountain Province. Wala ako pakelam kahit eleksiyon pa at nagpapatayan ang mga tao. Wehno ngayon? I deserve a break 'no.

Tuesday, February 23, 2010

Cappuccino French Vanilla (at lamay Pinoy Style)

Kape, libreng pagkain, pasugalan at huntahan. Ito ang hindi mawawala sa isang lamay--pinoy style siyempre.

Oooppppsss, teka lang. Haha. Medyo sumablay ng konti. Yung tinimpla kasing kape ay "Cappuccino French Vanilla," pwedeng ituring na isang senyales na may ilang kamag-anak na mayaman o nakapag-abroad yung mga namatayan. Dagdagan mo pa kasi ng mga tsokolateng snickers, hersheys, basta mga ganyang tipo eh aba, tiba-tiba ang mga naglalamay. Pagkatapos, maraming tinapay.

Sabi ng isang pinsan ko wala pa daw isang oras eh may bagong pagkain na namang ibibigay sa mga naglalamay. Nung dumating ako doon sa lamay ay abala sila sa pag-aabot ng mga sopas na sotanghon. Pagkatapos ay macaroni soup naman. Ilang saglit pa ay nagluto yung isang auntie namin ng pansit. Habang hinahanda ang pansit eh kapeng "French Vanilla" muna ang sinerve. Panalo. =)

Siyempre, kanya-kanya na kaming pagtatabi ng mga masasarap na hinahanda. Tipong ayaw lang naming palamang sa mga nagsusugal. Paano ba naman kasi eh isang bus ng kamag-anakan namin ang dumayo pa doon para lang makilamay at sila pa ang hindi masiba sa pagkain. Samantalang, ang mga nagsusugal ng mga kapitbahay ay sila pa ang mapili at demanding ba. Aba, aba...teka lang ha.

Hay. Sa pang-40 kayang araw eh ganun pa rin? Siguro naman hindi na. Ang sigurado ko lang, ay naku, nandiyan na naman ang mga masisibang sugarol. Pero siguro wala nang French Vanilla dahil inubos na namin kagabi.

Saturday, February 13, 2010

Balemtayms

Sige, balemtayms na naman. Andami na namang sabit-sabit na mga korteng puso na malayo naman sa totoong itsura ng puso. Naalala niyo pa ba yung mga titsers niyo nung hayskul na hindi mo malaman kung bitter, nagtritrip o hardcore scientist lang talaga? Yung mga bigla na lang titikhim habang nagbabatian kayo ng "happy balemtayms" sa klase sabay sabi ng, "Class, ang love hindi yan dikta ng puso. Dikta yan ng hypothalamus, parte ng utak...kaya dapat utak ang nakasabit sa mga dingding natin ngayon, hindi korteng puso na malayo naman sa itsura ng puso."

O sige, ma'am. Panalo ka na. Mukhang hindi uubra yung babatiin ka namin ng "Ma'am, happy balemtayms, huwag na po tayo magquiz. Magbalemtayms party na lang tayo." Ayan, inunahan tayo eh. Bano.

Pebrero. Ito na yata ang pinaka-busy na buwan para sa mga nasa hayskul. Isipin mo ah, may balemtayms, may JS prom, may grad ball, may kung hei fat choi, may exams, projects, quizzes, panagbenga (kung nasa Baguio ka), at graduation practice pa minsan. Sabi nila, ang mga taong ipinanganak daw ng Pebrero eh yung mga may, ehem, ssssss----ssss----aya----d. Hehe, alam mo na yun.

Gayunpaman, mas nakapokus kasi ang atensiyon ng lahat sa balemtayms. Ganun talaga eh. Mas masaya kasi pagtuunan ng pansin yung paggawa ng cards, pagbili ng tsokolate, at pagbili ng bulaklak. Siyempre, mas masaya pa tayo kung may nakatanggap tayo ng ilan sa mga nabanggit. Naks! Patay tayo diyan. (Kuntsabahin mo na lang si bespren para kayo na lang magbigayan kung talagang adik ang environment mo sa exchange gifts pag balemtayms at naprepressure ka. Eh kung deadma, eh di yun na yun. Hehe.)

Sa balemtayms din daw kumikita ng malaki ang Hotel Sogo..hehe. Pero tsismis lang yun. Wala akong pruweba dun. Peak season din daw ng may pinapanganak eh November. Tsismis ulit yun. Tsismosa kasi 'tong katabi ko eh. Pero ang hindi na tsismis eh tiba-tiba na naman ang mga nagbebenta ng bulaklak. Dalawang beses daw sa isang taon ang pag-boom ng industriya ng bulaklak--pag balemtayms at tuwing araw ng mga patay. Patay ulit tayo diyan. Ang kulit.

Balemtayms. Gastos, kilig, at ewan. hehe. Naisip ko lang magsulat dahil bugbog na ang utak ko sa kakaintindi dito sa An Alternative Metacritique of Postcolonial, eh basta yun. Hay, ang saya nun ah. Magawa nga ulit yun. Balik muna sa an alterrnnn..basta yun.