Sunday, May 6, 2012

Lakbay Diwa

Masarap magtapos sa isa sa mga kilalang pamantasan sa buong Pilipinas. Pakiramdam mo madami kang natutunan, madami kang pagpipilian, makukuha ka sa lahat ng trabahong aaplayan mo, at higit sa lahat, makakatulong ka sa pagkakaroon ng pagbabago sa bulok na sistema ng lipunan. Dala-dala ang ideyalismo na yan, pakakawalan ka ng Unibersidad ng Pilipinas sa napakagulo at masalimuot na mundo. Napakalayo sa pinag-aralan mong "dapat" sa loob ng unibersidad.

Nung ako ang nagtapos, dala-dala ko pa din ang idealismong ipinunla sa akin ng UP. Ang unang trabaho ko pagkagradweyt ay swak na swak sa tinapos kong kurso: ang maging field interviewer para sa isang proyekto ng UNFPA na ikinomisyon sa UP. Ang trabahong ito ay inalok sakin ng instruktor ko dahil siya ang humawak sa proyektong ito. Sa kasamaang palad, nadismaya ako sa naging takbo ng mga pangyayari. Sobrang pagkadismaya din ang inabot ko sa mga sumunod kong trabaho. Nagdesisyon akong balikan ang akademya. Baka kako dito ko matagpuan ang hinahanap ko. Nagsumite ako ng aplikasyon sa UP para sa Masters in International Studies. Humingi ako at binigyan naman ng rekomendasyon ng tatlo sa mga pinakamagagaling na mga propesor sa UP Baguio. Isa dito ay isang Professor Emeritus. Hindi ko itinuloy ang pagkuha ng Master's Degree, sinayang ko ang magagandang rekomendasyon, ang pagod ng mga nagrekomenda at ang pera na ginastos ko sa pagproproseso ng aplikasyon. Sa halip, nagbayad ako at nagproseso ng mga kailangan para sa entrance exam ng PUP College of Law. Nung hayskul pangarap kong maging abogado dahil sa tatay ko. Nalaman ko noon na kumuha siya ng law pero hindi niya tinapos dahil nabuntis ang nanay ko at mas pinili niyang magtrabaho para may ipakain sa pamilya niya. Humanga at bumilib ako sa desisyon niya kaya nagpasya akong ako ang tutupad sa pangarap niya. Kaya naman nung magtapos ako ng kolehiyo ay muli niyang inungkat ang pagkuha ng abogasya. Nung mga panahong yun ay hindi pa ako handa. Bukod sa wala kaming pera ay napagod ako sa pag-aaral. Sabi ko magpapahinga muna ako. Pagkatapos ng isang taon ng pagkadismaya sa trabaho at sa pakiramdam na walang pinatutunguhan ang buhay ko, nagpasya akong sumubok na. At ayun nga, PUP College of Law ang una akong pili. Kaso napaisip ako nung makita ko ang paaralan. Malayo sa kinagisnan kong medyo mas ligtas na kalagayan ng Baguio. Pakiramdam ko ang lawak ng Maynila at mawawala ako. Napakamahal ng lahat ng bilihin at madalas na palipat-lipat ng sasakyan. Hindi ko kakayanin. Nagpasya akong huwag nang tumuloy sa pagkuha ng entrance exam sa PUP at sa halip ay dito na lang sa Baguio mag-aral. Ayun, pinili ko ang SLU School of Law. 

Dalawang linggo pa lang sa School of Law noon ay gusto ko na magwithdraw ng enrollment. Dinadaga ako. Pakiramdam ko wala akong natutunan nung undergrad. Hindi ako marunong magmemorize at laging palyado sa recitation. Sanay akong magbasa at magproseso, hindi magsaulo. Ang laging banat ng mga instruktor: "Give me what the law says." Ibig sabihin, verbatim. Huwag mong baguhin ayon sa pagkakaintindi mo ang batas. Ibigay mo ang provision word by word kung yun ang hiningi at kung ano ang sinabi ng author ng librong binasa mo kung humingi sila ng paliwanag. Ang katwiran: yung mga nagsulat ng libro ay mga justice o dating justice ng Korte Suprema. Alam nila ang sinasabi nila. Bawal bumuo ng opinyon, maliban na lamang kung ito ay ihahayag mo sa pamamagitang ng pagtatanong na minsan ay hindi masasagot ng instruktor dahil iba ang naintindihan niya sa tanong mo at mahirap na ipaliwanag o ipaintinti kung ano ba talaga yung tinanong mo. Bawal matulog ng lagpas sa limang oras. Gamitin ang oras na gising ka sa pagbabasa. Huwag mo na pakialaman ang mga usapang nagaganap sa hapag-kainan. Magbasa ka ng magbasa ng magbasa kasi kapag nasa klase ka na ay mapapadasal ka ng todo todo. 

Pagkatapos ng isang buong taon sa pag-aaral ng batas, napaisip ako. Ito ba talaga ay para sa akin? Hindi ko naiintindihan madalas ang mga leksyon. Mabababa ang mga nakukuha ko maliban na lang sa Legal Ethics (Naks! Ideal eh) at Environmental Law (naks ulit! ideal pa din eh). Sablay na sa iba. May dalawang linggo na ang nakakalipas nang napag-usapan namin ng kaibigan ko ang tungkol dito. Gradweyt din siya ng UP at sa UP Diliman pa. Siya ng nanguna sa dean's list nung unang semestre at maganda pa din naman ang performance niya sa sumunod na semestre. Kaso nararamdaman niya din ang pag-aalinlangan na nararamdaman ko ngayon. Nasa tamang landas ba ako? Umabot na kami sa punto na humihingi ng senyales. Parehong kaming may natanggap na senyales na maaring ang ibig sabihin ay "hindi para sa'yo ito." Pinabasa niya sakin ang commencement speech ni Atty. Darlene Marie Bernabe. Binasa ko naman. 


Ang nasa isip ko pagkatapos basahin ang napagandang speech ni Atty. Bernabe:

1. Napakalaki ang hinihingi at inaasahan sa isang gradweyt ng UP, lalo na yung mga old rate (tulad ko na hindi lumagpas sa 5K ang binabayarang tuition bawat semestre)

2. Tama si Atty. Bernabe, kapag nadapa ay pwede pang bumangon at ipagpatuloy ang laban. Ang problema, walang pampaaral sakin ang magulang ko para sa master's. Hindi din ako honor student tulad niya na malamang ay madaming alok na magagandang trabaho. 

3. Tama din na pwedeng panatilihin ang prinsipyo at manindigan. (humanda ka nga lang sa maaring maging consequence ng paninindigan mo. mapulitika ang lahat ng hanay ng gobyerno at lahat ng organisasyon).

4. Mahirap talaga ng law school. (honor student na siya nun ah, nakaramdam pa din siya ng takot).

5. Mag-isip. Magbreak. Mag-isip. 

Sa ngayon may ilang araw na lang ako para pag-isipan kung itutuloy ko ba ang pag-aaral ng abogasya. Kailangan kong maramdaman na may kabuluhan ang pakikipagbuno ko sa lahat ng hirap sa law school. Kailangan kong maramdaman na igagapang ko ito dahil gusto ko at hindi dahil nahihiya na lang ako o natatakot sa sasabihin ng iba. 

Samantalang naiisip ko din: kapag tumigil ako (pansamantala man o pang-forevermore na), ano ang gagawin ko? Babalik ako sa mga trabahong ikinadismaya ko? Makakahanap ba ako ng mas magandang trabaho? Pagsisisihan ko ba ang gagawin ko?

Ano man ang magin pasya ko, umaasa akong paninindigan ko ito. 

Para sa lahat ng nasa parehong sitwasyon, kampay! Malayo pa ang lalakbayin pero natitiyak kong makakarating din tayo! =D

Wednesday, May 11, 2011

I'm Home

I am sheltered. That statement is true to some extent. I have realized this a few years back but refused to believe it's true. Instead, I made myself believe that I am independent and fearless. That is not totally true. I have been away from home lots of times for more than a day but my parents never stop getting in touch each day that I'm away. They text, they call and during the times that I do not own a cellphone, they text and call whoever I'm with at the time I am away.

Back in high school, we came back from a fieldtrip so tired that we decided to crash in our classrooms for the night and go home in the morning. I texted my parents that it's impossible to get a cab because it's too late in the night so I'm going to crash in one of the rooms with some of my classmates. A few minutes after I've finally fallen asleep, dad and mom woke me up. I thought I was dreaming. But they're there picking me up because they were worried I'd be sleeping on the concrete floor with no blanket, which is true enough. However, it's a little annoying and embarassing to be the only high school kid in your whole class whose parents came and picked you up and you're not even sickly, sick or dying.

Whenever I go on out of town trips, my parents are the only ones asking me how I am every after meal and then telling me to come home the morning of the day of my scheduled return. While it's sweet, it can really be irritating. I know I can handle myself and I am not at all fragile. Somehow, my staying in my parent's house to this day (I'm freaking 23 years old) makes them think I am still five years old. I tried to live away from them but I did get sick. I went home, got hospitalized and they won't allow me to go away again so I quit my job and went back home. Until now, I know I have to stay with my parents because 1) I save a lot on food and bills, 2) I'm in my comfort zone, 3) I'm going to grad school and I need financial support.

Don't get me wrong. I think my parents are sweet and I know they only want to protect me. However, I believe that teaching a bird how to fly would require that the bird leave the nest and take a few falls in order to  be able to spread its wings without flapping awkawardly and falling again. No matter how hard it is for a mother bird to let go of her little birdies, they have to fly and learn to fend for themselves because it's a fact of life that our parents won't always be here for us. I fear that the only time I can ever leave home permanently is when I get married and have kids of my own and I don't want that to be the case. I really hope not. I'm sheltered but I want to break free soon or else I will never know if I can make it on my own and that's really scary. I'm home right where my parents are but I know I'll have to make my own home in some other place.

Thursday, March 24, 2011

Good for Nothing Bad

I'm starting a new philosophy
It's called good for nothing bad
I'm tired of hearing gunshots
As the cries grow worse than sad

I'm raising my fist in defiance
I can't stand more blood spilled
While they fight for freedom
And get mercilessly killed

And others just want to help
Take a step to extend a hand
Guns are nonetheless directed
And they get buried underground

And the earth is slowly dying
While we waste our lives away
We're warned 'bout global warming
Yet we shrug and have nothing to say

So let's start a new philosophy
We're good for nothing bad
Let's take a stand against violence
With the armor of peace, get clad

Yes, everyone will die someday
Of that I know for certain
But 'tis no reason to waste life away
And someday drown in regret and pain

Life is short and yes we know that
Don't let it be good for nothing
Don't let your final days be 
Of endless guilt and suffering

So the good Lord help me stand up
Raise my fist against inhumanity
Give me a voice to shout in anger
Give me justice, fairness and equality

And let these words be open-ended
Such that others may write more lines
Of every principle they want to stand for
As they break out of their confines

Tuesday, March 22, 2011

Hungkag

Kailan kaya muling mahahanapan ng kulay
ang tanawin habang naglalakbay
ang kulisap, tutubi at paru-paru
ang ulan, araw, ang mga bato?

Kailan muling ang aking mga titik
ay patutungkol sa bawat hagikhik,
bawat hinagpis, bawat halakhak
bawat pagdurusa at bawat palakpak?

Tuluyan na bang nawala
ang mga araw na ang paglikha ng tula
ay hindi dahil bayad ng iba
o di naman kaya'y kanilang dikta?

Tuluyan na bang mamamaalam
sa lahat ng dati'y inaasam-asam
ngayo'y manunulat sa likod ng iba
at ang bawat titik ay bayad na nila.


(orihinal na nilikha noong Hunyo 20, 2010)

Drowning in Regret

Originally written on December 14, 2009. When I wrote this poem I was becoming too aware of lots of unrequited love around me. Mostly, the stories were what I call an "ex factor" where person A falls for person B but person B can't let go of an ex. The poem is really from the person A's point of view. In an unrequited love, a person often suffers watching the love interest not wanting to let go of a past love and still, he/she waits, watches and begs for the person to let go and notice him/her and then end up begging for the heavens to help him/herself let go of the love interest in due time. I don't even know why I'm explaining but people may read it in a different light and totally misinterpret it so I wanted to give some kind of a backgrounder. hehehe.

Drowning in regret 
Will you ever see me
Standing, waiting
While you're drowning in regret

Flickering lights
Hides the tears falling
From innocent eyes
Terrible lies

And you can never let go
Not even if I asked you to
Not if you don't see me
Standing, waiting

Someday, I'll say goodbye
I'll let go of this someday
Will you realize?
I'm saying goodbye

You

You want to put things together
I like to take them apart
You're there on every bad weather
Playing the strings of my heart

Your song keeps playing
On every emotional crash
And my heart starts singing
With every lyrical rush

You're a complicated puzzle
And you say you're really not
But you say one thing is simple
And it leaves my thoughts in a knot

You're a constant picture
That haunts my daydream sketches
Though I know you're heading elsewhere
And not where my path stretches

I know I'm making every damn word rhyme
Though you're not meant to read it
I know I'm running out of time
Yet I'll let it run out frozen where I sit

(20 March 2011)

Saturday, February 19, 2011

Bakit Nga Ba?

Bakit nga ba ang hirap na magsulat? Dahil kaya wala na akong nararanasang kasulat-sulat o dahil hindi ko kayang magsulat na walang bayad? Dahil sa puna ng isang kaibigan na inaamag na ang aking blog account, muli kong susubukan. Baka sakali, paunti-unting babalik ang kahusayan ko sa pagsusulat.

***

Wala na bang takot sa AIDS sa panahong ito? Maya't-maya ay nakakarinig ako ng balitang buntis si ganto o nakabuntis si ganyan. Tuwing bumibili ako sa grocery at sa butika, napapansin ko naman na laging may bentang condom. Kadalasan pa nga ay nakalagay ang mga ito sa tabi ng kahera para madali mo na lang patagong isingit sa mga bibilhin mo kapag magbabayad ka na. Oo, bagama't laganap na ang pornograpiya sa panahong ito, nandoon pa rin yung "hiya" sa pagbili ng mga bagay na magbibigay ng ideya sa mga tao sa paligid mo na ikaw ay "sexually active." Lalong "nakakahiyang" bumili ng condom kung teenager ka dahil sa lipunang ginagalawan natin, "nakakahiya" ang makipagsiping kung ikaw ay nasa edad na may "teen" dahil sa maraming kadahilanan. 

Samantalang, wala naman tayong nagagawa upang pigilan ang paglaganap ng pornograpiya. Tuwing manonood ka ng telebisyon, makakakita ka ng patalastas ng isang babaeng nakadamit ng napaigsi at kaakit-akit na hahalik sa isang lalaking makisig at may magandang kaha. Madalas, hindi mo maintindihan kung ang iniendorso ay toothpaste ba o pakikipagtalik. Laganap din ito sa mga pelikula, kanta, komiks, internet, at halos lahat ng uri ng medya kung hindi man lahat. Dumadami ang nabubuntis dahil sa pre-marital sex at pabata ng pabata ang kaswalidad, dumadami ang mga napapbalitang ni-rape, dumadami ang mga batang lansangan, nagiging aktibo ang mga abortion clinics at napakarami pang istatiska ang pwedeng ikabit sa pornograpiya. Sa kabila ng lahat, napakahirap i-endorso ng condom o kahit anong uri ng kontraseptibo.

Bakit ko nga ba naisip magsulat ng tungkol dito? Dahil...
Ah, huwag na lang kaya nating tapusin ang sagot. Mahaba, nakakapagod at paulit-ulit. Ngayon, kung may magtatanong pa sa akin kung bakit ako walang boypren, eto ang sagot ko: sa panahon ngayon, tiyak pag nagkaboypren ka darating ang punto na sa Eurotel, Sogo at iba pang kapareho ang magiging paborito niyong tambayan. Tiyak, maprepressure kang maganda ang suot mong underwear araw-araw. Tiyak magkakaroon ng punto na hindi na niyo maiisip gumamit ng kontraseptibo at magpapadala na lang sa init ng katawan. Para sigurado, gusto kong maging handa bago ako sumabak sa ganitong bakbakan. Bago boypren, gusto ko mayroon na akong bahay, lupa, kotse, maganda at stable na trabaho na may mataas na sweldo, magandang health insurance kung sakaling madali ako ng AIDS, at higit sa lahat, malaking ipon para sa kinabukasan ng batang tiyak na mabubuo sa isang gabi ng pagkakamaling hindi gumamit ng kahit na anong kontraseptibo. 

Gayunpaman, hindi ko sinasabing ito na talaga ang mangyayari. Ang sinasabi ko lang, ito ang gusto ko dahil ito, para sa akin, ang tama. Kung sakaling hindi ko man matupad kahit isa sa mga yan at nagpadala ako sa pusok at init, sana kahit magandang health insurance lang meron ako. Takot talaga ako sa AIDS eh.